Bukod sa beauty and brains,  literal na nagpatalbugan din sa talento ang mga kalahok sa isang gay beauty contest sa Taytay, Rizal.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ng GMA News TV "State of the Nation" nitong Miyerkules, kakaibang talent ang ibinida ng mga kandidata sa naturang pageant kung saan mayroong nag-tumbling, may nag-headstand, may nag-flying split at may nagpagulong-gulong sa hagdan.

Sa huli, hinirang na Best in Talent si Candidate Number 8 dahil sa mga hataw na paandar.

(Paalala lang, huwag gayahin ang mga exhibition na ginawa ng mga kandidato)

--FRJ, GMA News