Laking gulat ng isang pamilyang nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay sa Fort Lauderdale, Florida nang makita nilang hindi nila kaano-ano ang bangkay na iniiyakan nila sa ataul.
"I went up to view her body. No, this is not my sister. This is somebody we did not know. We did not know the person that was lying in the casket," sabi sa ulat ng Reuters ni Cuinthia Webber, kapatid ng pumanaw na si Norma Newman.
Sabi naman ng pamangkin ng namayapa, mapansin nila na ibang tao ang nasa ataul nang hanapin nila ang nunal nito.
"We asked them about the mole on our aunt's face they said that they covered it up with makeup. There was no mole there," sabi ni ," Suzette Walsh.
Hindi pa raw nila alam kung nasaan ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay at nais nilang magpaliwanag ang punerarya.-- Reuters/FRJ, GMA News
