Tila bahagi na ng kuwento sa mga paaralan ang katatakutan. Pero kung kadalasan ay puro kuwento lang, sa isang paaralan sa Caloocan City, sinasabing nakuhanan ng video sa mismong araw ng graduation ang umano'y white lady na matagal nang nagpaparamdam sa paaralan.

Totoo nga kayang estudyante na biktima ng panghahalay at namatay ang "white lady?" O kaya naman ay "confetti" lang na nakasabit bilang bahagi ng graduation ceremony? Alamin sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang paliwanag ng paranormal investigators at mismong naglagay ng confetti kung masasagot kung ano ang misteryosong imahe na nakunan sa video. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News