May korte na ang katawan at dalaga na, ngunit "baby face" pa rin ang isang babae sa Lanang, Davao City kaya naging usap-usapan siya maging sa social media.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nakilala natin si Alexandra Siang, 14 taong gulang, maliliit ang mga kamay at paa, 4'6 ang height at may matinis na boses.

Kinumpirma ng mga magulang ni Alexandra na nagkaroon ang dalagita ng malubhang sakit na Stage 2 Langerhans Cell Histiocytosis, at pitong buwang gulang lamang siya nang sumailalim sa chemotherapy.

Ang tila hindi pagtanda ni Alexandra ay epekto ng naturang cancer, ayon sa Pediatric Hematologist/Oncologist na si Dr. Cheryl Lyn Diez. Walang kinalaman dito ang chemotherapy.

May mensahe naman si Alexandra na gumagamit at nag-e-edit ng kaniyang mga litrato para sa fake news.

— LA, GMA News