Dahil biglaan ang sunog, kadalasang natataranta ang tao at hindi malaman kung papaano gagamitin ang fire extinguisher para mapatay ang apoy. Kaya sa South Korea, may naimbentong simpleng paraan kung papaano aapulahin ang apoy sa pamamagitan ng "flower vase."


 

Sa ulat ng Reuters, sinabing nakagawa ang South Korean ad agency na Cheil Worldwide, subsidiary ng Samsung Group, ng tinatawag na "firevase" na parang flower vase. Naglalaman ito ng liquid potassium carbonate, na humaharang sa oxygen upang kaagad na mapatay ang apoy.

Kumpara sa fire extinguisher na may kailangang alisin at pisilin, sa firevase, dadamputin mo lang at ibabato sa nasusunod na bahagi ng bahay.

Gawa naman sa polyvinyl chloride (PVC) ang vase para mas ligtas ihagis.

Maaari ding lagyan ng bulaklak ang vase.

"At the early stage of fire-fighting, a fire extinguisher is equivalent to one fire engine," sabi ni Hwang Seong-phil, associate creative director ng Cheil Worldwide.

"However, people don't remember where they put it and cannot find it when they need. So we came up with the idea of making a fire extinguisher which people can always keep handy in the home," dagdag niya.-- Reuters/FRJ, GMA News