Nagkagulo ang mga residente sa Quezon at Cavite kamakailan matapos na may mamataan umanong UFO o Unidentified Flying Object sa lugar. Hinala ng mga tao, ang isang UFO, nagkubli sa loob ng makapal na ulap. Totoo nga kaya ang kanilang paniwala?

Nakita ang hinihinalang UFO na nagtago raw sa makapal na ulap at nakuhanan pa ng mga larawan at video sa Sariaya, Quezon. Ang ulap, may hugis na malaking bilog na parang may buntot.

Sa bayan naman ng Sampaloc, Quezon na ang Mt. Banahaw, makikita ang sinasabing pahingahan daw ng mga UFO na Ciudad Verdadero, na lugar para sa mga spiritual seeker.

Ayon sa may-ari ng lupain, madalas daw magpakita ang mga UFO sa helipad o sa meditation area, at may mga larawan daw siya.

Samantalang sa General Mariano Alvarez sa Cavite, may namataan din daw na UFO, na hugis bilog na ilaw na mabagal ang galaw.

Tuluy-tuloy ang pagpapakita ng bilog na ilaw mula 7:00 pm hanggang 10:00 pm.

Mga UFO nga ba ang mga nakitang ito ng mga residente sa Quezon at Cavite? Alamin ang paliwanag ng mga ekperto sa video sa ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News