Sa halip na lalaki, babae ang nag-propose ng kasal sa kaniyang kasintahan habang dumadalo sila sa isang party sa Tuguegarao, Cagayan.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Biyernes, sinabing mangiyak-ngiyak nang alukin ni Miraquel Libao ng kasal ang kaniyang nobyong si Kaiser Cabbuag.

Kasama pa ni Libao ang dalawa niyang kaibigan na may hawak na tarpaulin nang mag-propose siya kay Cabbuag.

Ginawa ni Libao ang kakaibang engagement sa harap ng ilang mamamahayag ng probinsya.

Hindi naman nasayang ang effort ni Libao dahil tinanggap ni Cabbuag ang alok niyang kasal at may kasama pang kiss.

Sabi ni Cabbuag,  matagal na nilang gustong magpakasal pero naunahan siyang mag-propose ng kaniyang nobya.--FRJ, GMA News