Kakaibang "kilig" ang hatid ng kulitan ng isang magkasintahan nang padalhan ng lalaki ng bulaklak ng patay sa halip na flower bouquet  ang kaniyang nobya sa opisina. Ang dahilan ng lalaki sa kaniyang ginawa, alamin.

Sa larawan na ini-upload sa social media, makikita ang bulaklak na may nakasaad na "patay na patay" at pangalan ng babae.

Sa isa pang larawan, may hawak naman sulat si Zoe na may nakalagay na "patay na patay ka rin akin."

Kuwento ni YouScooper Kenneth Manuel, na siyang nag-tweet ng mga larawan, pinagkaguluhan daw sa kanilang opisina ang funeral wreath pero game na game pa rin daw na nakipagbiruan si Zoe sa kaniyang nobyo. --FRJ, GMA News