Habang nagpe-Facebook Live ang isang radio reporter tungkol sa pagsasara ng bus terminal sa Davao dahil sa lockdown, may napansing kakaiba ang mga manonood. May nadinig kasi silang tila tinig ng isang babaeng umiiyak. May kababalaghan nga bang bumabalot sa insidenteng ito?

Hindi naiwasan ng ilan na lalo pang mangilabot at maghinala na baka multo ang misteryosong tinig nang malaman nila na nagkaroon pala ng karahasang nangyari sa lugar ilang taon na ang nakalilipas.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung may kababalaghan nga ba talaga sa na-record na tila pagnaghoy, at ano ang na-obserbahan ng isang ekpertong sumuri sa video. Panoorin.
 
--FRJ, GMA News