Para mapawi ang init ng panahon, naisipan ng magpipinsan sa Batangas na gumawa ng kanilang swimming pool. Pero hindi lang basta swimming pool ang kanilang ginawa dahil nasa loob ito mismo ng bahay.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing ang isang bakanteng kuwarto sa bahay ang ginawang swimming pool ng magpipinsan.

Nilinis daw nila ang kuwarto, inalis ang suplay ng kuryente at saka nilagyan ng tubig para makapagtampisaw sila at makalangoy. --FRJ, GMA News