Nag-viral umano ang litrato ng isang sasakyan na pinagsamang motorsiklo at kotse, at tinatawag na "Motse" sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nag-viral ang mala-transformer na sasakyang gawa ni Mr. Calderon na may-ari ng isang talyer sa bayan ng Bantay.

Ayon umano kay Calderon, ipinagawa lamang umano sa kanya ang sasakayan na ang harap ay motorsiklo at ang likuran ay kotse, ng isang doktor.

Tinawag niya itong Motse.

Pahayag ni Calderon, niro-road test lang niya ang sasakayan nang makunan ito ng litrato. —LBG, GMA News