Malaking palaisipan sa mga residente at maging sa pulisya sa bayan ng San Isidro sa Bohol kung saan manggagaling ang malakas na tunog na tila nagtatambol sa kalagitnaan ng gabi na pinaniniwalaang dinig hanggang sa apat na barangay.

Ang ilang residente, hindi maiwasan na matakot lalo na't may mga haka-haka na posibleng nanggagaling ang misteryosong tunog sa Kilab-Kilab Falls na pinamamahayan umano ng mga engkanto.

Ang pulisya, nadinig din ang tunog at hinanap ang pinanggagalingan nito pero nabigo sila.

May kinalaman kaya ang pagl-alingawngaw naturang tunog sa nangyaring trahedya sa talon kung saan isang babae ang nalunod kahit marunong naman daw lumangoy.

Tunghayin ang naturang kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at pakinggan ang nai-record na mahiwagang tunog na tila pamilyar na nadidinig sa mga pelikulang may tema tungkol sa tribo sa gubat. Panoorin.


--FRJ, GMA news