3 bata, tinugis ng mga pulis sakay sa tinangay nilang kotse sa US
DISYEMBRE 26, 2025, 10:24 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Nagulat ang mga pulis nang malaman nila na tatlong bata na edad 8, 11 at 12 ang sakay sa hinabol nilang kotse na kinarnap umano sa Ohio, USA. Ang mga bata, natuto umanong tumangay ng sasakyan sa pamamagitan ng panonood ng online videos.