BANGA, Aklan —Kinagigiliwan sa ngayon ng mga residente sa Barangay Libas ang isang kakasilang lamang na baka dahil tila may pakpak sa kanang bahagi ng kanyang likuran.

Ayon sa may ari na si Norly Cuarton sa nasabing baragay sa bayan ng Banga, napansin agad nila ng isang mistulang pakpak sa lalaking baka mula nang ipanganak ito noong nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT

Hindi na raw muna nila dinala sa beterinaryo ang baka dahil normal naman daw ito.

Nakahanda daw silang dalhin ang baka sa veterinarian kapag magkasakit ito. 

Ang ina ng maliit na baka ay pinaalagan lamang daw sa kanila ng kaniyang nakakatandang kapatid na nagtatrabaho sa abroad. —LBG, GMA News