Isang baby elephant ang pahirapang ni-rescue matapos mahulog sa isang balon sa Odisha, India.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing hindi naging madali ang pagsagip sa hayop dahil malalim ang balon.

ADVERTISEMENT

Kinailangang gumamit ang rescue team ng traktora upang hukayin at palakihin ang balon para matalian at maingat ang elepante.

Hinala ng mga awtoridad, may mga kasamang iba pang elepante ang baby elephant at naulog ito sa balon nang mapadaan sila sa lugar. --FRJ, GMA News