Bumaha ng pagbati mula sa mga netizen ang "good deed" ng isang tricycle driver na taga-Valenzuela, na nagbigay ng libreng sakay noong Lunes dahil sa birthday niya noong araw na iyon.

Kuwento ng isang pasareho, pauwi na siya ng masakyan niya ang tricycle ni Rogelio Aguilar, nagulat siya sa nakapaskil na: "Free rides po tayo today. It's my birthday celebration." 

ADVERTISEMENT

Ayon sa pasahero na si Marilou Llobera, tanging pasasalama at pagbati ng "happy birthday" ang kanyang ibinayad kay Rogelio.

Pahayag naman ni Rogelio, lagi niya itong ginagawa tuwing pagsapit ng kanyang kaarawan, bilang pasasalamat sa mga biyaya, at nais din niya umanong makatulong sa iba kahit sa munting paraaan. —LBG, GMA News