Maraming netizens ang naantig sa viral photo ng isang amang delivery biker na isinama sa trabaho ang kaniyang baby sa San Pedro, Laguna.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, makikita ang baby na nakalagay sa basket sa unahan ng bisikleta at pinadede ng kaniyang ama.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng ama, wala raw kasing magbabantay sa baby dahil nasa trabaho rin ang kaniyang kabiyak kaya isinama na niya.

Nilinaw din ng amang delivery biker na malapit lang sa kanila ang pinaghatiran niya ng delivery.

Unang pagkakataon din daw iyo na isinama niya ang kaniyang anak. --FRJ, GMA News