Hinahangaan ng netizens ang very realistic diorama ng isang artist mula Mabalacat, Pampanga. Ang riverside miniature house, sobrang detalyado.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation," sinabing mga basura ang materyales na ginamit ni Nhoda Munoz sa kaniyang miniature house na inilagay sa sapa.

Aakalain mong tunay ang naturang bahay na kinakalawang ang mga yero at may nakapatong pang mga gulong.

May ilaw din ang bahay at mga gamit sa loob.

Sa labas, may mga nakasampay na damit, saranggolang sumabit sa poste at sari sari store ni 'Marites."

--FRJ, GMA News