Iniligtas ang isang lalaki na umakyat ng bubong matapos siyang mahulog sa masikip na pagitan ng dalawang bahay sa Thailand.

Ayon sa isang ulat sa "Saksi," sinabing mag-aayos sana ng tagas ang lalaki nang siya ay madulas.

ADVERTISEMENT

Agad namang tumawag ng tulong ang kapitbahay nang marinig ang kaniyang sigaw.

Dahan-dahang inangat ng mga rescuer ang lalaki gamit ang tela.

Maayos ang kalagayan ng lalaki, ngunit nagtamo siya ng gasgas at napagod sa pagtayo ng halos isang oras. —Jamil Santos/VBL, GMA News