Isang dambulang stingray o page ang nahuli sa Mekong River sa Cambodia na tinatayang 300 kilo ang bigat.

Sa sobrang laki at bigat ng page, sinabi sa ulat ng Reuters na nasa 12 katao ang nagtulong-tulong para madala ito sa mababaw na bahagi ng ilog.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang naturang page ang kauna-unahang world's biggest freshwater fish na nahuli at naitala sa kasaysayan.

ADVERTISEMENT

May haba na 13 talampakan ang page na isang babae. Matapos na lagyan ito ng electronic tag para masubaybayan ang galaw, pinakawalan din muli ang page na nahuli sa ilog sa bahagi ng Koh Preah.

"This is very exciting news because it was the world's largest fish," ayon sa biologist na si Zeb Hogan, dating host ng "Monster Fish" show ng National Geographic Channel.

Bahagi na ngayon si Hogan ng conservation project sa ilog.

"It is also exciting news because it means that this stretch of the Mekong is still healthy.... It is a sign of hope that these huge fish still live (here)," dagdag niya.
Noong 2005, isang dambuhalang catfish o hito ang nahuli rin sa naturang ilog sa bahagi naman ni Thailand. May bigat na 293 kilo ang hito.

Ang Mekong river ay kabilang sa mga kinikilalang most diverse fish population sa mundo. Pero sa nagdaang mga taon, nagkakaroon na umano ng problema sa ilog.

"This world’s largest fish was the first fish that the team tagged and released back into the river, and that means for the next year we’ll be able to track its movements to learn about the stingray’s life," ano Hogan.

"Giant freshwater stingray, they haven't been well studied, we know almost nothing about them, so this is a real opportunity to learn more about one of the world's largest freshwater fish," patuloy niya.--Reuters/FRJ, GMA News