Naisipan ng isang clothing maker sa Tokyo, Japan--katuwang ang ilang veterinarian--na gumawa ng wearable fan na panlaban ng mga aso at pusa sa tumitinding init ng panahon.

Sa ulat ng Reuters, sinabing napapaandar ng baterya ang maliit na fan (80-gram o 3-ounce).

Nakadikit ito sa mesh outfit at magpapahangin sa katawan ng alaga.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Rei Uzawa, presidene ng maternity clothing maker na Sweet Mommy, naisipan niyang gawin ang mini fan dahil na rin sa alaga niyang chihuahua na laging hapong-hapo matapos ilakad dahil sa matinding init.

"There was almost no rainy season this year, so the hot days came early, and in that sense, I think we developed a product that is right for the market," paliwanag niya.

 

 

Matapos ang tag-ulan sa Tokyo noong Hunyo, nararanasan sa kapitolyo ng Japan ang record high na heatwave na umaabot sa 35 degrees Celsius (95 Fahrenheit) sa loob ng siyam na araw.

"I usually use dry ice packs (to keep the dog cool). But I think it's easier to walk my dog if we have this fan," sabi ni Mami Kumamoto, may alagang miniature poodle at terrier.

Nitong unang bahagi ng July, nakatanggap ng nasa 100 order ang Sweet Mommy para sa mini fan. Mayroon itong limang different sizes at nagkakahalaga ng 9,900 yen o katumbas ng $74. --Reuters/FRJ, GMA News