Palaisipan sa ilang residente sa Borbon, Cebu ang nakita nila sa gubat na tila saging na nakakabit sa baging.

Sa ulat ni Alan Domingo sa GMA Regional TV News nitong Lunes, sinabing ang kakaibang "prutas" ay nakita ni Jenny Bongo at mga kasama nang magtungo sila sa gubat.

ADVERTISEMENT

Ito raw ang unang pagkakataon na may nakitang tila saging na nasa baging si Bingo.

Umakyat ang isang kasama ni Bongo at pinutol ang isang buwig ng tila saging. Sa loob nito, mayroon umanong makikitang buto.

Gayunman, kalasa raw ng saging ang pinaniniwalaan nilang prutas.

Ayon naman sa isang kawani ng municipal agricultural office, kailangan pa nilang siyasatin ang nakitang tila saging upang malaman kung ano ito.--FRJ, GMA News