Isang lalaki ang nasawi matapos siyang pumasok sa hawla ng isang leon at atakihin ng hayop sa isang zoo sa Ghana noong Linggo.

Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng wildlife officials na inakyat ng lalaki ang security fences ng zoo na makikita sa Accra.

ADVERTISEMENT

"The intruder was attacked and injured by one of the lions, within the inner fencing of the enclosure," ayon sa pahayag.

Kinalaunan ay binawian ng buhay ang lalaki dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.

Ang leon ay babae na may dalawang anak, ayon pa sa pahayag.

Sinabi naman ng pulisya sa AFP na iniimbestigahan nila kung papaano nakapasok sa restricted area ang lalaki.—AFP/FRJ, GMA News