Sa halip na malugmok sa lungkot at sama ng loob, nagsaya at itinuloy ng isang bride ang kaniyang party matapos na hindi siputin ng kaniyang groom ang kanilang kasal sa Switzerland. Ang slicing of the cake, naging "punching" of the cake.

Sa ulat ng GMA News Feed, sinabing itinuloy ng bride na si Kayley Stead ang ilang bahagi ng seremonya ng kasal, pati na ang party.

Pero ang slicing of the cake, naging "punching" of the cake na lang.

Para sa kaniya sanang first dance with the groom, ang tatay at kapatid na lang ni Stead ang kaniyang isinayaw, kaya naman may entrance pa kasama ang kaniyang ama.

Ayon kay Stead, apat na taon na silang magkarelasyon ng groom.

ADVERTISEMENT

Huling nakita ni Stead ang groom bandang 4pm bago ang araw ng kanilang kasal.

"I haven't heard from him since. We've tried to reach out to him, but I've had no response from him, no reason why," sabi ni Stead.

"I've had no explanation - not that I want one now, because it's too far along the line. It was an absolute shock, I had no indication he waws going to do this," dagdag niya.

Nakita ni Stead na nag-iiyakan ang kaniyang entourage kaya pinili niyang ituloy ang party, yaman din lamang na gumastos na siya at kasama niya noon ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

"A massive thank you to every single one of you here because it means 11% more to me than anything. And I really appreciate you all being here, enjoying the day because today is about self-love. I want every single person to feel self-love," mensahe ni Stead sa mga pumunta sa kaniyang kasal.

Napahanga ni Stead nang husto ang mga kaanak at kaibigan dahil sa kaniyang ginawa.

Tumutulong na ang mga kamag-anak at kaibigan ni Stead para makalikom ng pera na pambawi sa mga ginastos niya sa kasal.

"I'd spent all this money, I'd been looking forward to the food, a dance with my dad, spending time with my family, so why not?" sabi ni Stead.

"My sister is the strongest person I have ever met, and I have never been proud of anyone," sabi ng kapatid ni Stead.-- FRJ, GMA News