Labis ang tuwa ng mga mangingisda nang makahuli sila ng mahigit isang toneladang isdang tabas o moonfish sa Barbaza, Antique.

Sa ulat ng GMA News "Saksi," nahuli raw ang mga isda na may kabuuang timbang na 1.3 tonelada sa pamamagitan ng lambaklad.

ADVERTISEMENT

Inaasahan na raw ng mga mangingisda na marami silang isda na mahuhuli kapag umiinit na ang panahon.

Ibinenta ng mga mangingisda ang kanilang mga nahuling isda. -- FRJ, GMA Integrated News