Dahil sa madalas na kakulangan sa tubig, isang kompanya sa Germany ang ginawa na ring beer ang tubig-kanal.

Ligtas naman kaya itong inumin?

Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, sinabing may paglilinaw ang kompanya na masarap at ligtas itong inumin.

“I can reassure you. You won’t find anything from the sewage treatment plant. We’re really done very intensive purification,” sabi ni Uwe Huebner ng Xylem Water Solutions.

Ayon pa sa naturang kompanya, dumaraan muna ang tubig-kanal sa ilang treatment stage bago ito tuluyang ihalo sa beer.

Ginagawa nila ang prosesong ito para matiyak na ligtas itong inumin.

“This makes the water cleaner than the drinking water quality law actually requires. It even includes partial demineralization. In the brewery, they have even partially hardened the water afterward in order to increase the hardness a little so that they can make a better beer from it,” ayon pa kay Huebner.

Naisipan ng kompanya ang ganitong solusyon dahil sa madalas na water shortage sa kanilang bansa, na dulot ng climate change.

Ipinakikita rin ng kanilang proseso na puwedeng-puwede na muling gamitin ang wastewater.

Ayon sa ilang nakatikim na nito, masarap ang beer mula sa tubig-kanal.

“It’s delicious. You don’t realize that it’s wastewater,” sabi ni Nadine Krogull.

Gayunman, hindi pa ito ibinibenta sa merkado. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News