Isang higanteng bungo ng fin whale ang hinukay ng mga eksperto para gamitin sa pag-aaral sa England.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing hinukay ng mga British scientist at kanilang excavation team ang bungo ng balyena mula sa pinaglibingan nito sa loob ng isang unibersidad.
Bukod sa pag-aaral, may balak din ang mga scientist na i-display ang bungo.
Taong 2020 nang ilibing ang fin whale na may habang 20 metro matapos itong pumanaw nang ma-stranded sa isang ilog.—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News
