Hindi na makakatay para gawing handa para sa Thanksgiving Day ang dalawang turkey o pabo matapos silang bigyan ng “pardon” ni U.S. President Donald Trump sa White House.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing binigyan ng pardon ni Trump ang mga pabong pinangalanan na sina “Gobble” at “Waddle.”

Sa halip na katayin, magreretiro sa isang farm ang dalawang pabo matapos na-pardon.

Nag-umpisa ang tradisyon ng pagpa-pardon ng mga U.S. President ng mga pabo noong 1947.

Kalaunan, opisyal itong naging event sa White House simula 1989.

Nobyembre 27 idinadaos sa Amerika ang kanilang tradisyon na Thanksgiving Day. –Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News