Sapul sa camera ang isang lalaki na tumigil sa pagnanakaw ng kable matapos itong kumislap sa Barangay Mambugan, Antipolo City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapanonood ang cellphone video kung saan pinuputol ng lalaki ang kable ng kuryente sa isang parking area.

Ilang saglit pa, kumislap na ang kable kaya nabitawan bigla ng lalaki ang kable at umalis siya sa lugar.

Sinabi ng video uploader na cutter plier ang gamit ng lalaki, na hindi na umano bumalik sa lugar.

Tumangging magbigay ng panayam ang barangay tungkol sa insidente, at naiulat na rin daw sa pulisya ang nangyari. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News