Kinagiliwan at pinusuan ng netizens ang “petship” ng isang aso at baboy sa Samal, Davao del Norte.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, mapanonood ang kulitan ng tila mag-best friends ng asong si Ling, at baboy na si Pinky.
Ayon sa nag-aalaga sa mga ito na si Mary Pelegrino, bigla na lang lumapit ang aso sa baboy.
Inakala niyang matatakot si Pinky pero sa huli, nag-bonding ang dalawa.
Umabot na ng walong milyong views online at pinusuan ng isang milyong netizens ang video.—Jamil Santos/FRJGMA Integrated News
