Ikinalungkot ng marami ang biglaang pagpanaw ng vlogger na si Lloyd Cafe Cadena sa edad na 26. Nakiramay naman ang mga kapwa niya vloggers at celebrities, kabilang sina Mariah Carey, Maine Mendoza at Mimiyuuuh.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing wala pang kumpirmasyon ang sanhi ng pagkamatay ni Lloyd.

Bago nito, nakiramay pa si Lloyd sa pagkamatay ng isa pang kilalang vlogger na si Emman Nimedez dahil sa leukemia.

Nagpapaabot ng pakikiramay ang vlogging community sa pagkamatay ni Kween LC.

 

 

ADVERTISEMENT

 

 

 

 

Masaya raw si Maine Mendoza na nakapagkita sila ni Lloyd, at nakiramay din sa pagkawala ng YouTuber.

 

 

"You will be missed," saad ni "Songbird Supreme" Mariah Carey sa pagpanaw ni Kween LC, na isa sa kaniyang avid fans.

 

 

Kilala si Kween LC sa mga linya niyang "Bongga na!" "Gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon!" at "Darna."

Isa si Kween LC sa mga nagpasimula ng vlogging sa Pilipinas, at nagkaroon siya ng pitong milyong overall YouTube subscribers.

Sa halos isang dekada niyang pagva-vlog, nakilala si Lloyd bilang masayahing kaibigan, may malasakit kahit sa mga hindi niya kakilala, at mapagmahal na anak.

"Hindi ako sanay magkuwento ng aking buhay pero gusto kong i-share ito para pagtanda ko meron akong makikitang video na ikinuwento ko 'yung buhay ko," sabi ni Lloyd sa kaniyang vlog. – Jamil Santos/RC, GMA News