Sa mas murang halaga na ibinibenta ang mga itlog sa Mangaldan, Pangasinan dahil sa pag-oversupply nito.

Sa ulat ng GMA News "Saksi," sinabing naging P3 na lamang ang presyo ng maliit na itlog.

ADVERTISEMENT

Nasa P6.50 naman ang malaking itlog.

"Kasi pumupunta 'yung mga itlog ng ibang probinisya, kaya parang marami tayong itlog na dumadayo rito, ang nangyayari, nagiging mura 'yung itlog," paliwanag ni Dr. Jovita Datuin ng Department of Agriculture Region 1. -Jamil Santos/MDM, GMA News