Minsan pa, pinatotohanan ni nanay Joceline ang kasabihan na walang kapantay at hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak.

Sa isang iglap kasi, ang binatilyo niyang anak na si Ben na dating masigla at masayahin, biglang nawalan ng malay at isinugod nila sa ospital. Bagaman na-revive o naibalik ang kaniyang buhay, naratay naman siya sa banig ng karamdaman.

"Kung anong mangyayari kung anong balak ng Panginoon, hindi ko kasi puwedeng pangunahan. Laging kong sinasabi sa lahat nang nangyari Siya lang ang nakakaalam. Basta ang alam ko, nu'ng panahon na nakita ko yung anak ko sa ospital at binalik Niya sa akin nagpapasalamat na ako doon," umiiyak ng sabi ni nanay Joceline.

"Saka lagi kong sinasabi kay Ben magtiis lang siya dahil gagaling din siya. Tsaka hindi ako magsasawang mag-alaga sa kaniya," patuloy niya.

Tunghayan sa "Front Row" ang sakripisyo at kung papaano nagpapakatatag si nanay Joceline upang maalagaan ang mahal na anak na si Ben.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News