Humihingi ng saklolo ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos mag magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa ulat sa Saksi Huwebes ng gabi.

Ang hiling niya ay magpagamot sa ospital.

ADVERTISEMENT

Pina test daw siya ng kanyang amo sa isang government ospital. Lumabas ang resulta  na positibo siya sa COVID-19.

Pero hindi siya dinala sa ospital, pina-isolate siya ng kanyang amo sa isang kwarto at sinabihang mag-paracetamol na lang.

Ayon sa OFW, hirap na siyang huminga at masakit ang kanyang likod.

"Natakot po talaga ako kasi gusto ko pang mabuhay. Pero ... gusto kong umuwi sa 'Pinas nang buhay. May pamilya pa po akong naghihintay sa akin," sabi niya. -- BAP, GMA News