Patay ang dalawang mangingisda sa Bolinao, Pangasinan na tinamaan umano ng kidlat habang nasa laot.

ADVERTISEMENT

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na kapwa magningisda ang nakakita sa bangkay ng dalawang mangingisda sa kanilang bangkang palutang-lutang sa dagat.

Hinala ng mga awtoridad, tinamaan ng kidlat ang dalawa habang nangingisda.

Nadala na sa pampang ang mga bangkay ng mga biktima. —LBG, GMA News