Nasugatan ang isang 61-anyos na driver matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng parking area ang kanyang minamanehong sasakyan.

Nabagsakan ng kanyang sasakyan ang isang nakaparadang SUV  sa harap ng parking building ng Philippine Ports Authority sa Maynila, ayon kay Jonathan Andal ng GMA News.

ADVERTISEMENT

Kita sa CCTV mula sa Barangay 163 ang pagbagsak ng sasakyan mula sa parking area.

Wala namang sakay ang nabagsakang nakaparadang sasakyan.

 

 

Mayroon na ring nangyaring aksidente dati kung saan nahulog din ang isang sasakyan mula sa parking building sa Greenhills, San Juan. —KG, GMA News