Nananatili pa rin ang baha sa ilang bahagi ng Pansol, Laguna na tinaguriang "resorts capital of the Philippines."

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na kahit mahigit isang linggo na ang nakaraan matapos manalasa sa Luzon ang bagyong Ulysses, hindi pa rin humuhupa ang baha, na malaking pahirap sa mga residente. 

ADVERTISEMENT

Ayon sa ilang mga nakausap ang Unang Balita, baka aabutin pa umano ng ilang buwan bago humupa ang baha dahil malapit lamang ang Pansol sa Laguna de Bay.

Marami naman ang mga nag-aabot ng tulong sa mga residenteng apektado ng baha, ayon sa ulat. —LBG, GMA News