Nagtamo ng sugat ang isang 72-anyos na lolang namamalimos matapos siyang ma-hit-and-run ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada Bocaue, Bulacan.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita sa CCTV ang pagtawid ng matanda.

ADVERTISEMENT

Makaraan ang ilang saglit, nahagip na siya ng isang motorsiklo, saka napahiga sa kalsada.

Dumiretso lamang ang motorsiklo matapos ang insidente, pero sa isa pang kuha ng CCTV, makikitang lumingon pa ang angkas ng rider.

Nasa maayos nang kalagayan ang lola, na nagtamo ng sugat sa ulo.

Sinabi ng mga awtoridad na hindi nila naplakahan ang motorsiklo dahil malabo ang CCTV. —LBG, GMA News