Nagdagdag si Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas sa tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Police Brigadier General Ildebrandi Usana, tagapagsalita ng PNP,  mabuti naman ang kalagayan ni Sinas kaya walang dapat na ikabahala.

ADVERTISEMENT

Gayunman, humingi siya ng panalangin para sa pinuno ng kapulisan.

"Yes po [positive sa COVID-19]. But he is okay. No cause for worry. Prayers na lang po muna para kay Chief," sabi ni Usana.

Noong nakaraang taon, naging kontrobersiyal si Sinas, na noo'y hepe pa lang ng National Capitol Regional Police Office,  matapos kumalat ang larawan ng kaniyang birthday celebration sa harap ng ipinatutupad na health protocol dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero sa kabila ng mga batikos, siya pa rin ang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging bagong hepe ng PNP.-- FRJ, GMA News