Nasawi ang isang lalaki matapos umano ma-heat stroke habang naglalakad sa Adams, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing base sa imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Lito Purdos na nawalan ng malay habang naglalakad papunta sa bayan.

ADVERTISEMENT

Na-dehydrate si Purdos dahil umano sa maalinsangang panahon.

Sa tuwing nangyayari ang heat stroke, hindi makapagpawis ang katawan na kailangan para mapreskuhan at mapababa ang body temperature. —Jamil Santos/LBG, GMA News