Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang senador ang "Wowowin" TV host na si Willie Revillame sa darating na eleksyon.

"Willie, si Mayor 'to. Kumusta ka? Matagal na tayong 'di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka," ani Duterte sa isang video message.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Duterte, nagda-dalawang isip na tumakbo si Revillame.

Ngunit sabi ng Presidente na bukas ang slot para kay Revillame anumang oras.

"Kung ayaw mo na talaga eh 'di puwede na tayong mag-usap ulit," Duterte said.

Dagdag ng Pangulo, bilib siya sa appeal ni Revillame sa masa.

Si Duterte ang chairman ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan. —Ma. Angelica Garcia/DVM, GMA News