Patay ang dalawang tao sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Parañaque City.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

Natagpuan ang unang bangkay ng mga taga-barangay San Dionisio sa bahagi ng Canaynay Avenue.

Tinatayang nasa 30 hanggang  40-anyos ang biktima na sakay ng bisikleta bago siya paputukan ng mga armadong salarin.

Natagpuan naman sa bahagi ng Quirino Avenue ang ikalawang labi, na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Hindi umano nakatira sa lugar ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa dalawang insidente ng pamamaril. —Jamil Santos/LBG, GMA News