Isang truck na may kargang mga lata ng mantika ang tumagilid at nagdulot ng matinding traffic sa Ortigas Avenue Extension sa Antipolo City nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck habang binabaybay ang pababang bahagi ng Ortigas Avenue Extension, saad ni Luisito Santos sa kanyang ulat sa Dobol B TV.

ADVERTISEMENT

Natapon tuloy ang daan-daang lata ng cooking oil sa daan.

Nasugatan ang isang motorcycle rider na dumadaan noon sa lugar.

Sa kasalukuyan ay hindi pa naiaalis ang truck sa kalye. —KG, GMA News