Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng tatlong bagong P100 commemorative coins na tampok ang tatlong bayani na sina Teresa Magbanua, Mariano Ponce, at General Emilio Aguinaldo.

Nagkakahalaga umano ang bawat P100 coin ng P350 sa mga BSP store. Iyon nga lang, madali umano itong maubos dahil sa dami ng nais makakuha.

ADVERTISEMENT

“Like BSP-issued coins in general circulation, commemorative coins are deemed legal tender, unless these coins have been demonetized,” ayon sa pahayag ng BSP.

Karamihan sa mga commemorative coins ay limitado lamang ang gawa, at ginamitan ng mas mahal na uri ng mateyales para mas maging kaaya-aya sa mga nangongolekta.

“Most of these commemorative coins are minted from precious metals like gold and silver making them more extraordinary and more expensive,” paliwanag ng BSP. — FRJ, GMA News