Inanunsyo kamakailan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na hindi na kailangan ang placement fee para sa mga mag-a-apply ng ilang uri ng trabaho sa abroad.

Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkules na nilinaw ni POEA Administrator Bernard Olalia na para lamang ito sa mga magtatrabaho abroad sa ilalim ng government-to-government (G-to-G) process.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga trabaho na bubuksan sa ilalim ng G-to-G transaction process ay para sa:

  • Healthcare workers
  • Factory workers
  • Hotel staff
  • Transportation
  • Aviation staff

Payo ng POEA sa mga mag-a-apply na laging bisitahin ang kanilang website para sa mga update. —LBG, GMA News