Kahit batid ng marami ang ginagawang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga nangangailangan, inihayag ng Kapuso star na wala siyang planong pumasok sa pulitika.

Inihayag ito ng aktres sa isang post niya sa Twitter matapos na ire-post ng isang netizen ang kaniyang Instagram Stories, na makikitang tinutulungan niya ang isang matandang babae sa Sorsogon.

Gobernador ngayon sa lalawigan ang mister ni Heart na si dating Senador Chiz Escudero.

ADVERTISEMENT

Nakasaad sa caption ng netizen na, "Hoping Heart Evangelista won't enter politics."
Tumugon naman dito si Heart ay sinabing: "Politics is not for me. I can help without that kind of power."

 

 

Nitong Miyerkules, opisyal nang inilunsad ni Heart ang bagong proyekto na "Big Heart PH."  Layunin nito na matulungan ang mga estudyante sa ilalim ng online learning.

Una rito, namigay su Heart ng mga tablet sa mga mag-aaral na walang magagamit sa online schooling.

Bukod dito, kilala rin si Heart sa pagtulong sa mga maysakit na nagmemensahe sa kaniyang social media.— FRJ, GMA News