Muling nag-trending kamakailan ang comedian na si Ate Gay dahil sa mga mash-up songs niya na talaga namang nagbibigay ng good vibes sa netizens ngayong panahon ng pandemic.

Sa GMA News "Unang Hirit" nitong Martes, ibinahagi ni Ate Gay kung papaano niya nabubuo ang mga bentang-bentang mash-up songs niya.

ADVERTISEMENT

Maging ang TV host na si Suzi Entrata-Abrera ay hindi napigilin ang sarili sa katatawa nang isabak niya sa mush-up challenge si Ate Gay.

Bilang panimula, kinanta ni Suzi ang viral at hit song na Zebbiana, at pagkatapos ay sinabi ni Ate Gay na mali raw ang pagkakanta kaya siya naman ang nagsampol.

Tunghayan sa video kung anong awitin ang idinugtong ni Ate Gay sa Zebbiana na tawang-tawa si Suzi dahil talaga namang konek na konek at puwede pang pang-zumba.

--FRJ, GMA News