Sa “Mars Pa More,” nagkabukingan sina Joyce Pring at Juancho Trivino tungkol sa mga nadiskubre nila sa isa’t isa bilang bagong mag-asawa, kabilang ang kanilang mga pet peeve.

Kuwento ni Joyce, naiinis daw minsan sa kaniya si Juancho sa tuwing nagdadala siya ng mga pagkain at mug sa itaas ng kanilang bahay pero hindi niya naman ibinababa.

“Naba-bad trip siya kasi siya’yung naghuhugas ng pinggan. Sabi niya sa akin, ‘ibababa mo na lang ’be, bakit hindi mo mababa?’” natatawang sabi ni Joyce.

ADVERTISEMENT

Si Juancho naman, umaming clingy siyang asawa kay Joyce.

“In general, kasi I’m a very clingy guy. So it’s no one person,” sabi ng Kapuso actor.

“Sobrang seloso niya ’pag halimbawa, mas malambing ako kay Bowie, sa dog namin kaysa sa kaniya, nagseselos siya. Ganu’ng level!” kuwento ni Joyce.

“Feeling ko bored din tsaka clingy, very clingy,” dagdag pa ni Joyce.

Ikinasal sina Joyce at Juancho Pebrero 9 nitong taon.

Na-engage sila ng Agosto 2019, pero hindi muna inanunsyo hanggang Nobyembre.

Nagsimula ang kanilang love story sa “Unang Hirit,” kung saan pareho silang cohosts. – Jamil Santos/RC, GMA News