Marami ang nabigla, nanghinayang at labis na nalungkot sa pagpanaw ng 26-anyos na vlogger na si Lloyd Cadena. Alamin sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung bakit marami ang nagmamahal sa kaniya.

Isa si Kween Lloyd sa mga maituturing OG o original na vlogger sa Pilipinas na makailang ulit ding itinampok sa "KMJS." At nitong nakaraang Biyernes, marami ang nagluksa nang maibalita ang bigla niyang pagpanaw dahil sa heart attack.

ADVERTISEMENT

Nitong Lunes, kinumpirma ng pamilya ni Lloyd na nagpositibo si Lloyd sa COVID-19, at nagpapagaling ito sa virus nang atakihin sa puso habang natutulog.

Kilalanin sa video na ito ng  "KMJS" si Llyod, na bukod sa isang napabuting anak sa kaniyang mga magulang na OFW, nagpasaya rin siya at nagbigay ng inspirasyon sa mga tao, at tumulong sa mga kapwa niya vlogger na nagsisimula pa lang. Panoorin.

-- FRJ, GMA News