Wala mang Halloween party dahil sa COVID-19 pandemic, hindi pa rin naman nagpakabog si Klea Pineda sa costume niyang Wonder Woman.

Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ng Kapuso actress ang kaniyang mirror selfie habang suot ang costume ng DC superhero.

"Sad because there's no Halloween Party 2020," saad niya sa caption ng larawan.

 

ADVERTISEMENT

 


Umani naman ng magagandang komento ang naturang post at sinabing bagay sa kaniya ang costume at puwede siya sa superhero role.

Kahit ipinagbawal ang mga party ngayong Halloween para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, marami pa ring celebrities ang nag-post ng kani-kanilang larawan habang naka-costume.

Si Scarlet Snow, cute na cute sa kaniyang "Wonder Girl" costume.

 

 


—FRJ, GMA News